Teoryang Queer
Girl, Boy, Bakla, Tomboy
ni Noel Lapuz
Natutunan:
Ang kwentong Girl, Boy, Bakla,
Tomboy ay patungkol sa homosexual kung saan naipapakita ang mga pangyayaring
nagaganap tulad ng diskriminasyon sa mga LGBT.Naipapakita sa kwento kung paano
inaapi api ng mga tao ang mga bakla at tomboy kahit na wala naman silang
kasalanan o ginawang masama.Sa kwentong ito, natutunan ko na dapat nating
respetuhin ang mga katulad nila dahil sa sila ay tao rin naman kaya lang ang
kaibahan nito ay naging bakla o tomboy sila.Nararapat din naman na pahalagahan
natin ang katulad nila dahil sa mayroon din naman silang mabuting naidudulot
dito sa mundo gaya ng pagpapatawa katulad na lamang ni Vice Ganda na sumikat
dahil sa kanyang kakayahang pagpapatawa.
Reaksyon:
Naangkop ang napiling kwentong Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa
teoryang Queer dahil sa nangingibabaw dito karapatang ng mga LGBT at kung paano
nila nilabanan ang diskriminasyon ng mga tao sa kanila.Nasasalamin din dito ang
tunay na pangyayaring nagaganap sa ating lipunan. Sa kwentong ito, talagang
malinaw na ipinapabatid ito sa mga mamamayan upang malaman nila ang paghihirap
at pagdurusa ng mga bakla at tomboy sa tuwing sila ay tinutukso ng mga tao sa
paligid.Kaya naman, talagang angkop ang teorya sa kwentong napili ng taga-ulat.
Teoryang Klasisismo
Ang Tondo man ay may Langit din
ni Andres Cristobal Cruz
Natutunan:
Ang nobelang ang Tondo man ay may
Langit din ay patungkol sa taong nag iibigan na hindi basehan ang estado sa
buhay para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.Base sa nobelang ito ang
babae ay nagmula sa mayamang angkan habang ang lalaki naman ay mahirap lamang.Sa
kwentong ito, napagtanto ko na talagang mayroong taong palaban kung ang pinag
uusapan ay ang pagmamahalan dahil sa
kabila ng lahat kahit magkaiba sila ng mundo o kinalakihan sa buhay at kahit na
ilang beses pa silang binigyan ng pagsubok ay nananatili pa rin silang matatag
at matibay na magkasama.Sadyang hindi hadlang ang pagkakaibang estado sa buhay
sa taong nagmamahalan.
Reaksyon:
Ang kwentong ang Tondo man ay may
Langit din ay naaangkop sa teoryang klasisismo dahil sa sa ipinahayag sa kwento
ang malinaw na pangyayaring nagaganap sa dalawang taong nagmamahalan kahit na
iba ang estado nila sa buhay.Nangingibabaw dito kung paano nila nilampasan ng
dalawang taong nagmamahalan ang mga pagsubok na dumaan sa kanila kahit na
magkaiba ang kanilang estado sa buhay.Sa kwento din na ito makikitaan ang
karaniwang daloy ng mga pangyayari sa kwento at sa hulihan nito ay may kaayusan
at masayang pangyayari na nagaganap.
Teoryang Realismo
Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino
ni Eros Atalia
Natutunan:
Ang kwentong Si Intoy Syokoy ng
Kalye Marino ay nagsasaad sa praktikal na pangyayari sa ating lipunan.Katulad
na lamang ng mga pangyayaring nagaganap sa kwento na may isang taong kumapit na
lamang sa patalim para maiahon ang
kanyang buhay sa kahirapan.Napagtanto ko na ganito rin ang nagaganap ngayon sa
kasalukuyan na minsan mayroong mga taong praktikal sa buhay na ginagawa nila
ang mga bagay-bagay na hindi dapat ginagawa pero ginagawa pa rin nila.Ang
natutunan ko rin sa kwento ay dapat maging mautak at mag-isip ng mabuti sa
gagawing mga hakbang dahil sa buhay kung ang tao ay padalos dalos maaring
ikapapahamak pa nito ang sarili.
Reaksyon:
Ang kwento ay naaangkop sa teoryang
Realismo dahil sa ipinapakita dito ang mga pangyayaring nagaganap sa totoong
buhay na ang pagiging praktikal ng isang tao na kumapit na lang sa patalim
dahil sa wala na talagang mapagpipilian.Sa kwentong ito,makikitaan ang
kasiningan at pagkaepektibo ng pagsulat sa akda dahil sa gumamit ang may akda
ng magagandang salita upang mapansin talaga ng mambabasa ang kagandaahan ng
kanyang pagsulat sa kwento.Talagang naaayon ang kwento sa teoryang realismo
dahil sa mga nagaganap sa lipunan ngayon na masasalamin talaga sa kwento.
Teoryang Arkitaypal
Gapo
ni Lualhati Bautista
Natutunan:
Sa nobelang Gapo ito ay patungkol
sa diskriminasyon ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino dahil sa
minamaliit ng mga Amerikano ang mga mamamayang Pilipino at ginagawa lamang nila
itong utusan o alipin .Sa kwentong ito, natutunan ko na dapat na mahalin natin
ang ating sariling bansa dahil dito tayo isinilang at namuhay. Dapat din nating
ipaglaban ang ating sarili laban sa mga mapang aping Amerikano dahil sa mayroon
naman tayong karapatan na lumaban sa kanila.Huwag nating hayaan na tayo ay
maging alipin na lamang nila habang buhay dahil sa parehas lang naman tayong
mga tao.Dapat ay pantay-pantay lang ang pagtrato sa isa’t isa at matutong
rumispito sa bawat isa.
Reaksyon:
Masasabi kong angkop ang kwentong
Gapo sa teoryang Arkitaypal sapagkat gumamit ito ng simbolo o modelo na
“mapangabuso”. Ang binibigyang punto ng mapangabuso ay ang pag aabuso ng mga
sundalong Amerikano sa mga Pilipino dahil sa hindi na makatwiran ang mga
pinanggagawa ng mga Amerikano sa mga Pilipino, ginagawa na nila itong alipin
kahit na hindi naman dapat na maging alipin.Sa kwentong ito nangingibabaw ang
mga sundalong Amerikano na sakim, makasarili at walang awa sa mga Pilipino
dahil sa panggagamit nila sa mga Pilipino.
Teoryang Pormalistiko
Sandaang Damit
ni Fanny A. Garcia
Natutunan:
Ang kwentong Sandaang damit ay
patungkol sa batang nag-aaral na inaapi api ng kanyang mga kaklase kaya
napilitan siyang magsinulang sa kanilang harapan na mayroon siyang maraming
magagandang damit sa kanilang bahay kahit sa totoo lang ito ay dibuho lang na
idinikit sa kanyang kwarto.Ang natutunan ko sa kwento ay dapat huwag
magsinungaling at matotong makontento sa kung ano ang mayroon tayo dahil sa ang
pagsisinungaling ay may masamang maidudulot na kapahamakan sa sarili. Natutunan
ko rin na dapat huwag maging mataas sa sarili at huwag maging mapang api sa mga
taong nakapaligid sa atin lalong lalo na sa mga taong mahirap ang kalagayan.
Reaksyon:
Ang kwento ay angkop para sa
teoryang Pormalistiko dahil sa ipinaparating ang buong kwento ng diritso at
malinaw na paglalahad gamit ang kanyang tuwirang panitikan na hindi na
kailangan ng malalimang pagsusuri.Makikitaan din sa kwento ang malinaw na
pagpapaliwanag na nais ipabatid ng may-akda sa buong kwento ng literal.Ito ay
isinulat na walang labis at walang kulang.Nakikita sa kwento ang pormal na
pagkakasulat ng may-akda nito dahil sa ang daloy ng kwento ay may kaayusan.
Teoryang Humanismo
Paalam sa Pagkabata
ni Nazareno D. Bas
Natutunan:
Ang Paalam sa Pagkabata ay
patungkol sa batang naguguluhan sa kanyang sarili kung ano siya at saan siya
nagmula.Sa kwentong ito, nututunan ko na dapat ang mga magulang ay maging bukas
sa kanilang mga anak para masubaybayan nila ito at makita nila ang mga
kaganapan na nangyayari sa kanilang anak dahil sa mahalagang pagtuonan ng
pansin ang mga anak dahil kinakailangan pa nila ng gabay ng isang mga magulang
kaya nararapat lang na bigyan ng malasakit at kahalagahan ang bawat mga
anak.Dapat din na maging responsible ang mga magulang sa kanilang mga anak at
huwag basta-basta pababayaan dahil kung pababayaan na lang nila ito baka ito pa
ang makapagdudulot ng pagiging masamang tao nito.
Reaksyon:
Base sa kwentong Paalam sa
Pagkabata masasabi kung angkop ito sa teoryang humanismo dahil sa nakatuon
talaga ito sa isip at damdamin ng isang tao na kagaya ng batang lalaki sa
kwento na siya ay naguguluhan sa kanyang sarili at hindi niya alam ang mga
pangyayari kung saan siya nagmula dahil sa hindi siya sinabihan ng mga magulang
nito sa totoong nangyayari.Kaya naman masasabi kung talagang tumpak sa teoryang
humanismo ang kwentong Paalam sa
Pagkabata dahil pinangingibabawan nito ang pagkatao ng isang batang lalaki.
Teoryang Ekspresyunismo
Caregiver
ni Chito S. Rono
Natutunan:
Ang kwentong Caregiver ay patungkol
sa isang taong nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang tagapag-alaga ng
matanda at iniwan ang kanyang anak sa Pilipinas para sundan ang kanyang asawa
na nagtatrabaho rin sa ibang bansa.Sa kwentong ito, natutunan ko na hindi pala
talaga madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa yung ibang mga tao na
nandoon ay ginagawa lamang na utusan at tagalinis ng mga bagay-bagay na dapat
linisin kaya naman napakahirap ang kalagayan ng mga taong nagtatrabaho sa ibang
bansa at kahanga hanga rin ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo na magtatrabaho
sa ibang bansa.Isinasantabi nalang nila na makasama ang mga mahal nila sa buhay
para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito sa Pilipinas.
Reaksyon:
Sa kwentong Caregiver tama lang na
mapabilang ito sa teoryang Ekspresyunismo dahil ipinabatid ng kwento ang walang
pagkabahala o pagaalinlangan ng isang tao na kahit mahirap magtrabaho sa ibang bansa
ay ginawa parin nila na walang pag aalinlangan para lamang mabuhay ang kanilang
mahal sa buhay na nasa Pilipinas.Naipapakita din sa kwento na nabuksan nito ang
kaisipan at damdamin ng isang tao dahil ayon sa kwento may isang ina na
napalayo sa kanyang anak para lamang makapagtrabaho sa ibang bansa bilang isang
caregiver kaya naman talagang naipakita dito ang tunay na nararamdaman ng isang
magulang at ang kaisipan nito sa pagdesisyon ng mga bagay-bagay.
Teoryang Markismo
Sandang Damit
ni Fanny A. Garcia
Natutunan:
Sa kwentong Sandaang Damit
naipapakita dito ang paghihirap ng isang bata sa isang paaralan dahil sa mga
taong nakapaligid sa kanya na hindi siya tanggap nito dahil naiiba siya sa
lahat ng tao na nasa paaralan kaya naman napag isipan nya na magsinungaling
upang hindi na siya tuksuhin nito.Ang natutunan ko sa kwento ay dapat huwag
maging mapang api sa mga taong kakaiba ang estado dahil sa nahihirapan na nga
sila mas pinapahirapan pa ng ibang tao kaya naman hindi tama na mang api ng
kapwa tao bagkus ito pa ay tulungan na makaahon sa kanyang sarili upang sa
gayon ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
Reaksyon:
Base sa kwento masasabi ko na hindi
ito gaanong angkop sa teoryang markismo dahil sa hindi naman ito nakatuon sa
pagkalugmok ng isang batang babae na umahon sa kanyang sarili. Ayon sa kwento
siya ay nagsinungaling kaya naman naka ahon siya sa kahirapan na pang aapi ng
kanyang kamag-aral.Hindi malinaw na ipinabatid sa kwento na pinapahirapan siya
ng lubos at bumangon siya sa kanyang sariling kakayahan dahil sa kwentong iyon
ginamit lang niya ang kakayahan niya para magsinungaling sa ibang tao. Mas
mabuti siguro kung pumili na lang ng ibang kwento na talagang pinangingibabawan
ang teoryang markismo.
Teoryang Feminismo
Nanay Masang sa Calabarzon
ni Sol F. Juvida
Natutunan:
Sa kwentong ang Nanay Masang sa
Calabarzon ay patungkol sa magsasaka na pinapaalis sa lugar nila ngunit ang mga
kababaihang naninirahan doon ay hindi pumayag na basta-basta na lang silang
pinapaalis sa lugar na kinalakihan na nila kaya naman lumaban sila hanggang sa
nagtagumpay sila. Ang natutunan ko sa kwento ay dapat na matotong lumaban kung
karapat dapat naman itong ipaglaban dahil sa malaki ang naitutulong ng
pakikipaglaban kung inaapi api man tayo ng ibang tao.Dapat rin ay mananatiling
matatag at maging matapang sa mga pagsubok na ating haharapin sa buhay.
Reaksyon:
Angkop na angkop ang kwentong Nanay
Masang sa Calabarzon sa teoryang Femenismo dahil ayon sa kwento naging palaban
at malakas ang mga kababaihan na hindi sila sumang ayon sa pag papalis nila sa
lugar.Ipinapakita sa kwento ang karapatan ng kababaihan na umahon sa kanilang
sarili sa pamamagitan ng hindi pagsuko at pagkakaisa ng bawat kababaihan doon
sa kwento.Kaya naman binibigyan ito ng linaw na talagang nangingibaw ito sa pag
ahon ng mga kababaihan at napabilang ito sa teoryang Feminismo.
Teoryang Bayograpikal
Memorias De Un Estudiante De Manila
ni P. Jacinto
Natutunan:
Ang nobelang Memorias De Un
Estudiante De Manila ay patungkol sa buhay ni P. Jacinto o Jose Rizal ito ay
tungkol sa pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay noong siya pa ay nag-aaral.Sa
nobelang ito natutunan ko na dapat maging matiyaga at magsikap sa buhay para
makamtang ang pangarap. Huwag dapat sumuko na lang ng basta basta kung ang
pinag uusapan ay ang pangarap dahil sa ito yung tanging paraan para maiahon
natin ang ating sarili maging sa kahirapan.Kung patungkol naman sa pag-ibig,
ang natutunan ko ayon sa nobelang ito ay dapat na matotong magparaya dahil
mayroong taong nakalaan sa atin at darating din ito sa tamang panahon.
Reaksyon:
Naaangkop ang nobelang ito sa teoryang
bayograpikal dahil sa ipinapakita dito ang mga kaganapan na nangyayari kay P.
Jacinto o Jose Rizal sa buhay niya noong siya ay bata pa lang.Isinalaysay niya
ang mga karanasan ng siya ay bata at nagbibinata na kabilang na dito ang pag-aaral
niya ng maraming mga asignatura na nakatutulong sa kanya para mas lumawak pa
lalo ang kanyang isipan at para mapag alaman niya rin ang mga nangyayari sa
kanyang paligid.Sa nobelang ito, malinaw na gustong ibahagi ng may akda ang
nilalaman ng nobela nang malaman ng mga mambabasa ang buhay niya noon at
malaman ang mahahalagang pangyayari sa buhay niya.
Teoryang Imahismo
Ang Relis sa Tiyan ni Tatay
ni Eugene Y. Vasco
Natutunan:
Sa kwentong Ang Relis sa Tiyan ni Tatay ay
patungkol sa ama na ibininta ang kanyang sariling bato para matawid sa
kahirapan ang kanyang anak.Naipapakita dito sa kwento na talagang mahal na
mahal ng ama ang kanyang anak dahil isinakripisyo niya ang kanyang sarili para
lamang dito.Natutunan ko sa kwento na dapat nating mahalin ang ating ama at ipagmalaki
ito kahit na ano man ang trabaho nito dahil sa ginagawa nila ang lahat para
lamang makapag-aral tayo at mabigyan ng magandang kinabukasan. Kaya naman dapat
nating pahalagahan ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo nila sa atin at
suklian natin ito ng kabutihan.
Reaksyon:
Base sa kwentong Ang Relis sa Tiyan
ni Tatay masasabi kong angkop itong kwento sa teoryang Imahismo dahil sa
ginamit dito ang bato ng isang ama na nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal sa
kanyang anak.Isinakripisyo ng ama ang buhay niya para lamang sa kanyang
anak.Kaya ang bato na iyon ay nagsisilbing imahe sa pagmamahal ng isang ama
tungo sa kanyang anak. Sa kwento din na ito, malinaw na ipinapakita ng may akda
na ang pagbebenta ng bato ay isang imahen ng isang damdamin na kahit ano kayang
gawin ng isang ama maitawid lang sa kahirapan ang pamilya.
Teoryang Romantisismo
Sayang na Sayang
ni Epifanio Gar Matute
Natutunan:
Sa kwentong Sayang na Sayang ito ay
patungkol sa dalawang taong nagmamahalan ngunit hindi sila ang itinadhana sa
isa’t isa. Ang lalaki sa kwento ay dalisay ang pagmamahal niya sa babae ngunit
sinayang lang ito ng babae at naghanap siya ng ibang lalaki kaya pinamagatan
ang kwento na sayang na sayang. Ang natutunan ko sa kwento ay kung may taong
nagmamahal sa iyo ng tunay ay dapat pahalagahan at di na papakawalan dahil sa
ito ay biyaya na ibinigay ng Panginoon sa atin kaya dapat natin itong ingatan
at mahalin din na tunay.Nang sa gayon ay maging maligaya ang buhay kasama ang
taong mahal natin.
Reaksyon:
Talagang angkop ang kwentong Sayang
na Sayang sa teoryang Romantisismo dahil sa ipinapakita dito ang pagmamahalan
ng dalawang tao kaya lang naudlot ito dahil sa naghanap ang babae ng iba at
hindi siya naghintay sa lalaki na tunay na nagmamahal sa kanya.Sa kwentong ito,
pinapahalagahan and damdamin ng tao kaya’t hindi masasagot at maipapaliwanag
ang katanungan at karanasan tungkol sa puso. Kaya naman talagang tumpak ang
kwentong ito sa teoryang Romatisismo.