Miyerkules, Nobyembre 22, 2017

Ganting Galaw sa mga Teoryang Pampanitikan




Teoryang Queer

Girl, Boy, Bakla, Tomboy
ni Noel Lapuz



Natutunan:
Ang kwentong Girl, Boy, Bakla, Tomboy ay patungkol sa homosexual kung saan naipapakita ang mga pangyayaring nagaganap tulad ng diskriminasyon sa mga LGBT.Naipapakita sa kwento kung paano inaapi api ng mga tao ang mga bakla at tomboy kahit na wala naman silang kasalanan o ginawang masama.Sa kwentong ito, natutunan ko na dapat nating respetuhin ang mga katulad nila dahil sa sila ay tao rin naman kaya lang ang kaibahan nito ay naging bakla o tomboy sila.Nararapat din naman na pahalagahan natin ang katulad nila dahil sa mayroon din naman silang mabuting naidudulot dito sa mundo gaya ng pagpapatawa katulad na lamang ni Vice Ganda na sumikat dahil sa kanyang kakayahang pagpapatawa.

Reaksyon:
Naangkop ang napiling kwentong Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa teoryang Queer dahil sa nangingibabaw dito karapatang ng mga LGBT at kung paano nila nilabanan ang diskriminasyon ng mga tao sa kanila.Nasasalamin din dito ang tunay na pangyayaring nagaganap sa ating lipunan. Sa kwentong ito, talagang malinaw na ipinapabatid ito sa mga mamamayan upang malaman nila ang paghihirap at pagdurusa ng mga bakla at tomboy sa tuwing sila ay tinutukso ng mga tao sa paligid.Kaya naman, talagang angkop ang teorya sa kwentong napili ng taga-ulat.

Teoryang Klasisismo

Ang Tondo man ay may Langit din
ni Andres Cristobal Cruz




Natutunan:
Ang nobelang ang Tondo man ay may Langit din ay patungkol sa taong nag iibigan na hindi basehan ang estado sa buhay para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.Base sa nobelang ito ang babae ay nagmula sa mayamang angkan habang ang lalaki naman ay mahirap lamang.Sa kwentong ito, napagtanto ko na talagang mayroong taong palaban kung ang pinag uusapan ay ang  pagmamahalan dahil sa kabila ng lahat kahit magkaiba sila ng mundo o kinalakihan sa buhay at kahit na ilang beses pa silang binigyan ng pagsubok ay nananatili pa rin silang matatag at matibay na magkasama.Sadyang hindi hadlang ang pagkakaibang estado sa buhay sa taong nagmamahalan.

Reaksyon:
Ang kwentong ang Tondo man ay may Langit din ay naaangkop sa teoryang klasisismo dahil sa sa ipinahayag sa kwento ang malinaw na pangyayaring nagaganap sa dalawang taong nagmamahalan kahit na iba ang estado nila sa buhay.Nangingibabaw dito kung paano nila nilampasan ng dalawang taong nagmamahalan ang mga pagsubok na dumaan sa kanila kahit na magkaiba ang kanilang estado sa buhay.Sa kwento din na ito makikitaan ang karaniwang daloy ng mga pangyayari sa kwento at sa hulihan nito ay may kaayusan at masayang pangyayari na nagaganap.

Teoryang Realismo

Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino
ni Eros Atalia



Natutunan:
Ang kwentong Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino ay nagsasaad sa praktikal na pangyayari sa ating lipunan.Katulad na lamang ng mga pangyayaring nagaganap sa kwento na may isang taong kumapit na lamang sa patalim para  maiahon ang kanyang buhay sa kahirapan.Napagtanto ko na ganito rin ang nagaganap ngayon sa kasalukuyan na minsan mayroong mga taong praktikal sa buhay na ginagawa nila ang mga bagay-bagay na hindi dapat ginagawa pero ginagawa pa rin nila.Ang natutunan ko rin sa kwento ay dapat maging mautak at mag-isip ng mabuti sa gagawing mga hakbang dahil sa buhay kung ang tao ay padalos dalos maaring ikapapahamak pa nito ang sarili.

Reaksyon:
Ang kwento ay naaangkop sa teoryang Realismo dahil sa ipinapakita dito ang mga pangyayaring nagaganap sa totoong buhay na ang pagiging praktikal ng isang tao na kumapit na lang sa patalim dahil sa wala na talagang mapagpipilian.Sa kwentong ito,makikitaan ang kasiningan at pagkaepektibo ng pagsulat sa akda dahil sa gumamit ang may akda ng magagandang salita upang mapansin talaga ng mambabasa ang kagandaahan ng kanyang pagsulat sa kwento.Talagang naaayon ang kwento sa teoryang realismo dahil sa mga nagaganap sa lipunan ngayon na masasalamin talaga sa kwento.



Teoryang Arkitaypal

Gapo
ni Lualhati Bautista



Natutunan:
Sa nobelang Gapo ito ay patungkol sa diskriminasyon ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino dahil sa minamaliit ng mga Amerikano ang mga mamamayang Pilipino at ginagawa lamang nila itong utusan o alipin .Sa kwentong ito, natutunan ko na dapat na mahalin natin ang ating sariling bansa dahil dito tayo isinilang at namuhay. Dapat din nating ipaglaban ang ating sarili laban sa mga mapang aping Amerikano dahil sa mayroon naman tayong karapatan na lumaban sa kanila.Huwag nating hayaan na tayo ay maging alipin na lamang nila habang buhay dahil sa parehas lang naman tayong mga tao.Dapat ay pantay-pantay lang ang pagtrato sa isa’t isa at matutong rumispito sa bawat isa.

Reaksyon:
Masasabi kong angkop ang kwentong Gapo sa teoryang Arkitaypal sapagkat gumamit ito ng simbolo o modelo na “mapangabuso”. Ang binibigyang punto ng mapangabuso ay ang pag aabuso ng mga sundalong Amerikano sa mga Pilipino dahil sa hindi na makatwiran ang mga pinanggagawa ng mga Amerikano sa mga Pilipino, ginagawa na nila itong alipin kahit na hindi naman dapat na maging alipin.Sa kwentong ito nangingibabaw ang mga sundalong Amerikano na sakim, makasarili at walang awa sa mga Pilipino dahil sa panggagamit nila sa mga Pilipino.

Teoryang Pormalistiko

Sandaang Damit
ni Fanny A. Garcia



Natutunan:
Ang kwentong Sandaang damit ay patungkol sa batang nag-aaral na inaapi api ng kanyang mga kaklase kaya napilitan siyang magsinulang sa kanilang harapan na mayroon siyang maraming magagandang damit sa kanilang bahay kahit sa totoo lang ito ay dibuho lang na idinikit sa kanyang kwarto.Ang natutunan ko sa kwento ay dapat huwag magsinungaling at matotong makontento sa kung ano ang mayroon tayo dahil sa ang pagsisinungaling ay may masamang maidudulot na kapahamakan sa sarili. Natutunan ko rin na dapat huwag maging mataas sa sarili at huwag maging mapang api sa mga taong nakapaligid sa atin lalong lalo na sa mga taong mahirap ang kalagayan.

Reaksyon:
Ang kwento ay angkop para sa teoryang Pormalistiko dahil sa ipinaparating ang buong kwento ng diritso at malinaw na paglalahad gamit ang kanyang tuwirang panitikan na hindi na kailangan ng malalimang pagsusuri.Makikitaan din sa kwento ang malinaw na pagpapaliwanag na nais ipabatid ng may-akda sa buong kwento ng literal.Ito ay isinulat na walang labis at walang kulang.Nakikita sa kwento ang pormal na pagkakasulat ng may-akda nito dahil sa ang daloy ng kwento ay may kaayusan.

Teoryang Humanismo

Paalam sa Pagkabata
ni Nazareno D. Bas



Natutunan:
Ang Paalam sa Pagkabata ay patungkol sa batang naguguluhan sa kanyang sarili kung ano siya at saan siya nagmula.Sa kwentong ito, nututunan ko na dapat ang mga magulang ay maging bukas sa kanilang mga anak para masubaybayan nila ito at makita nila ang mga kaganapan na nangyayari sa kanilang anak dahil sa mahalagang pagtuonan ng pansin ang mga anak dahil kinakailangan pa nila ng gabay ng isang mga magulang kaya nararapat lang na bigyan ng malasakit at kahalagahan ang bawat mga anak.Dapat din na maging responsible ang mga magulang sa kanilang mga anak at huwag basta-basta pababayaan dahil kung pababayaan na lang nila ito baka ito pa ang makapagdudulot ng pagiging masamang tao nito.

Reaksyon:
Base sa kwentong Paalam sa Pagkabata masasabi kung angkop ito sa teoryang humanismo dahil sa nakatuon talaga ito sa isip at damdamin ng isang tao na kagaya ng batang lalaki sa kwento na siya ay naguguluhan sa kanyang sarili at hindi niya alam ang mga pangyayari kung saan siya nagmula dahil sa hindi siya sinabihan ng mga magulang nito sa totoong nangyayari.Kaya naman masasabi kung talagang tumpak sa teoryang humanismo  ang kwentong Paalam sa Pagkabata dahil pinangingibabawan nito ang pagkatao ng isang batang lalaki.



Teoryang Ekspresyunismo

Caregiver
ni Chito S. Rono



Natutunan:
Ang kwentong Caregiver ay patungkol sa isang taong nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang tagapag-alaga ng matanda at iniwan ang kanyang anak sa Pilipinas para sundan ang kanyang asawa na nagtatrabaho rin sa ibang bansa.Sa kwentong ito, natutunan ko na hindi pala talaga madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa yung ibang mga tao na nandoon ay ginagawa lamang na utusan at tagalinis ng mga bagay-bagay na dapat linisin kaya naman napakahirap ang kalagayan ng mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa at kahanga hanga rin ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo na magtatrabaho sa ibang bansa.Isinasantabi nalang nila na makasama ang mga mahal nila sa buhay para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng mga ito sa Pilipinas.

Reaksyon:
Sa kwentong Caregiver tama lang na mapabilang ito sa teoryang Ekspresyunismo dahil ipinabatid ng kwento ang walang pagkabahala o pagaalinlangan ng isang tao na kahit mahirap magtrabaho sa ibang bansa ay ginawa parin nila na walang pag aalinlangan para lamang mabuhay ang kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.Naipapakita din sa kwento na nabuksan nito ang kaisipan at damdamin ng isang tao dahil ayon sa kwento may isang ina na napalayo sa kanyang anak para lamang makapagtrabaho sa ibang bansa bilang isang caregiver kaya naman talagang naipakita dito ang tunay na nararamdaman ng isang magulang at ang kaisipan nito sa pagdesisyon ng mga bagay-bagay.

Teoryang Markismo

Sandang Damit
ni Fanny A. Garcia



Natutunan:
Sa kwentong Sandaang Damit naipapakita dito ang paghihirap ng isang bata sa isang paaralan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya na hindi siya tanggap nito dahil naiiba siya sa lahat ng tao na nasa paaralan kaya naman napag isipan nya na magsinungaling upang hindi na siya tuksuhin nito.Ang natutunan ko sa kwento ay dapat huwag maging mapang api sa mga taong kakaiba ang estado dahil sa nahihirapan na nga sila mas pinapahirapan pa ng ibang tao kaya naman hindi tama na mang api ng kapwa tao bagkus ito pa ay tulungan na makaahon sa kanyang sarili upang sa gayon ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

Reaksyon:
Base sa kwento masasabi ko na hindi ito gaanong angkop sa teoryang markismo dahil sa hindi naman ito nakatuon sa pagkalugmok ng isang batang babae na umahon sa kanyang sarili. Ayon sa kwento siya ay nagsinungaling kaya naman naka ahon siya sa kahirapan na pang aapi ng kanyang kamag-aral.Hindi malinaw na ipinabatid sa kwento na pinapahirapan siya ng lubos at bumangon siya sa kanyang sariling kakayahan dahil sa kwentong iyon ginamit lang niya ang kakayahan niya para magsinungaling sa ibang tao. Mas mabuti siguro kung pumili na lang ng ibang kwento na talagang pinangingibabawan ang teoryang markismo.

Teoryang Feminismo

Nanay Masang sa Calabarzon
ni Sol F. Juvida



Natutunan:
Sa kwentong ang Nanay Masang sa Calabarzon ay patungkol sa magsasaka na pinapaalis sa lugar nila ngunit ang mga kababaihang naninirahan doon ay hindi pumayag na basta-basta na lang silang pinapaalis sa lugar na kinalakihan na nila kaya naman lumaban sila hanggang sa nagtagumpay sila. Ang natutunan ko sa kwento ay dapat na matotong lumaban kung karapat dapat naman itong ipaglaban dahil sa malaki ang naitutulong ng pakikipaglaban kung inaapi api man tayo ng ibang tao.Dapat rin ay mananatiling matatag at maging matapang sa mga pagsubok na ating haharapin sa buhay.

Reaksyon:
Angkop na angkop ang kwentong Nanay Masang sa Calabarzon sa teoryang Femenismo dahil ayon sa kwento naging palaban at malakas ang mga kababaihan na hindi sila sumang ayon sa pag papalis nila sa lugar.Ipinapakita sa kwento ang karapatan ng kababaihan na umahon sa kanilang sarili sa pamamagitan ng hindi pagsuko at pagkakaisa ng bawat kababaihan doon sa kwento.Kaya naman binibigyan ito ng linaw na talagang nangingibaw ito sa pag ahon ng mga kababaihan at napabilang ito sa teoryang Feminismo.

Teoryang Bayograpikal

Memorias De Un Estudiante De Manila
ni P. Jacinto



Natutunan:
Ang nobelang Memorias De Un Estudiante De Manila ay patungkol sa buhay ni P. Jacinto o Jose Rizal ito ay tungkol sa pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay noong siya pa ay nag-aaral.Sa nobelang ito natutunan ko na dapat maging matiyaga at magsikap sa buhay para makamtang ang pangarap. Huwag dapat sumuko na lang ng basta basta kung ang pinag uusapan ay ang pangarap dahil sa ito yung tanging paraan para maiahon natin ang ating sarili maging sa kahirapan.Kung patungkol naman sa pag-ibig, ang natutunan ko ayon sa nobelang ito ay dapat na matotong magparaya dahil mayroong taong nakalaan sa atin at darating din ito sa tamang panahon.

Reaksyon:
Naaangkop ang nobelang ito sa teoryang bayograpikal dahil sa ipinapakita dito ang mga kaganapan na nangyayari kay P. Jacinto o Jose Rizal sa buhay niya noong siya ay bata pa lang.Isinalaysay niya ang mga karanasan ng siya ay bata at nagbibinata na kabilang na dito ang pag-aaral niya ng maraming mga asignatura na nakatutulong sa kanya para mas lumawak pa lalo ang kanyang isipan at para mapag alaman niya rin ang mga nangyayari sa kanyang paligid.Sa nobelang ito, malinaw na gustong ibahagi ng may akda ang nilalaman ng nobela nang malaman ng mga mambabasa ang buhay niya noon at malaman ang mahahalagang pangyayari sa buhay niya.



Teoryang Imahismo

Ang Relis sa Tiyan ni Tatay
ni Eugene Y. Vasco



Natutunan:
 Sa kwentong Ang Relis sa Tiyan ni Tatay ay patungkol sa ama na ibininta ang kanyang sariling bato para matawid sa kahirapan ang kanyang anak.Naipapakita dito sa kwento na talagang mahal na mahal ng ama ang kanyang anak dahil isinakripisyo niya ang kanyang sarili para lamang dito.Natutunan ko sa kwento na dapat nating mahalin ang ating ama at ipagmalaki ito kahit na ano man ang trabaho nito dahil sa ginagawa nila ang lahat para lamang makapag-aral tayo at mabigyan ng magandang kinabukasan. Kaya naman dapat nating pahalagahan ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo nila sa atin at suklian natin ito ng kabutihan.

Reaksyon:
Base sa kwentong Ang Relis sa Tiyan ni Tatay masasabi kong angkop itong kwento sa teoryang Imahismo dahil sa ginamit dito ang bato ng isang ama na nagpapahiwatig ng kanyang pagmamahal sa kanyang anak.Isinakripisyo ng ama ang buhay niya para lamang sa kanyang anak.Kaya ang bato na iyon ay nagsisilbing imahe sa pagmamahal ng isang ama tungo sa kanyang anak. Sa kwento din na ito, malinaw na ipinapakita ng may akda na ang pagbebenta ng bato ay isang imahen ng isang damdamin na kahit ano kayang gawin ng isang ama maitawid lang sa kahirapan ang pamilya.

Teoryang Romantisismo

Sayang na Sayang
ni Epifanio Gar Matute



Natutunan:
Sa kwentong Sayang na Sayang ito ay patungkol sa dalawang taong nagmamahalan ngunit hindi sila ang itinadhana sa isa’t isa. Ang lalaki sa kwento ay dalisay ang pagmamahal niya sa babae ngunit sinayang lang ito ng babae at naghanap siya ng ibang lalaki kaya pinamagatan ang kwento na sayang na sayang. Ang natutunan ko sa kwento ay kung may taong nagmamahal sa iyo ng tunay ay dapat pahalagahan at di na papakawalan dahil sa ito ay biyaya na ibinigay ng Panginoon sa atin kaya dapat natin itong ingatan at mahalin din na tunay.Nang sa gayon ay maging maligaya ang buhay kasama ang taong mahal natin.

Reaksyon:
Talagang angkop ang kwentong Sayang na Sayang sa teoryang Romantisismo dahil sa ipinapakita dito ang pagmamahalan ng dalawang tao kaya lang naudlot ito dahil sa naghanap ang babae ng iba at hindi siya naghintay sa lalaki na tunay na nagmamahal sa kanya.Sa kwentong ito, pinapahalagahan and damdamin ng tao kaya’t hindi masasagot at maipapaliwanag ang katanungan at karanasan tungkol sa puso. Kaya naman talagang tumpak ang kwentong ito sa teoryang Romatisismo.



Miyerkules, Nobyembre 15, 2017

My Electronic Portfolio




Non –Objective Shape
Output No. 1

Description: In this output, the teacher asked us to close our eyes and to draw anything in the cardboard using pentelpen. After that we open our eyes to see the scribbled form that we make. And then we put color on it to make it colorful. It’s called a non- objective shape which has no object reference and no subject matter suggestion. It’s simply an abstract or design shapes that can be seen in the design books.


Learnings: In this output, I learned to be creative because as I draw an abstract without looking on it, I think of something that can be possibly the form of my work. But then when I open my eyes it’s not the form of what I think. During that time I feel so excited because I couldn’t see the form of it and I didn’t expect the result of it. I also learned the proper execution on how to color the spaces provided on it. By doing that it can enhance my coloring skills.



Visualization
Output No. 2

Description: Visualization is simply a mental rehearsal. In this output, the teacher asked us to listen a song. While listening the song each of us should imagined of something that connected to the song that we listened. By that song we had to draw of what was in our mind while listening on it. After that we have to write a brief explanation of the drawing.


Learnings: In this output, I learned on how to explain the drawing that I draw. I learned to be imaginative because as I listened the song I imagined anything. Just like I imagine a place where I can spent time alone. A place that is peaceful and can make my heart comfortable. I learned that the music can reflects the heart of the person listening on it.


Shading Scenery
Output No. 3a

Description: In this output, the teacher asked us to draw a scenery by shading using a pencil. By using the different techniques of shading. There are three techniques of pencil shading such as cross hatching, blending and broad stroke method. These techniques can create gradation to make drawings believable and more realistic. In that techniques it can help us to make our work easy.


Learnings: In this output, I learned the different techniques of pencil shading. It’s the cross hatching, blending and broad stroke method. I learned on how to properly apply the shading techniques. I learned on how to shade every forms in the drawing. Also, I learned to be creative by thinking of what could be the technique that I should apply on it.



Shading: Human Face
Output No. 3b

Description: In this output, the teacher discussed first on how to draw a human face. Showing a pictures and video clips of it. For us to know on what could be the first part of the face to be drawn and so on. In drawing a human face, first part to be draw is the shape of the face then the eyes, eyebrow, nose, lips and the hair. By drawing the human face there are also the technique for it to look realistic.


Learnings: In this output, I learned on how to draw the part of the human face. Especially for the beginners like me, I don’t know how to start to draw a human face but when the teacher shows us the video I started to know how to start on it. First to draw is the shape of the face then the eyes, eyebrow, nose, lips and the hair. In drawing the human face, it should be look alike for the original face to make the drawing realistic. In drawing the face it should be in the proper shading to make it nice.


OHP: Transparency
Output No. 4

Description: Overhead Projector is an instrument that projects and amplifies an image or written text on a transparency. In this output, the teacher asked us to write a text using the transparency sheet. By applying the two techniques the progressive disclosure and overlaying/ overlapping. In progressive disclosure it involves of covering up all or part of the material on a given transparency. The overlaying/ overlapping its whole transparency is revealed from the start with additional information being added to the original display by superimposing further transparency on the original.

 

Learnings: In OHP: Transparency, I learned on how to properly execute the techniques of displaying transparency. In overlapping/overlaying first is to write text in the first transparency then overlap to the next transparency with another text on it. In progressive disclosure it is to covering text while the other text is uncover. It’s very effective in showing pictures example of it is the parts of the body. This two techniques of displaying transparency is very effective during discussion.


MS PowerPoint
Output No. 5

Description: Microsoft Power point is a presentation graphics used to create beautiful, professional- looking presentation. The processes of designing and running a presentations become a wizard-like activity. The objective such as text, shapes, pictures, and sound can easily be combined to create high- impact presentation. Animation can also be effected on the objects to add life to still object in the slides. By the use of this, it can make us present a presentation easier and faster.


Learnings: In this output, I learned on how to make a presentation by the use of this application. In making presentation using this application can save time and less effort because it’s easy to manage and it can make the work faster. I learned on how to use the transition and animations for each slides. The use of animation and transition is to make the slides active or alive. It can help also to catch the attention of the audience.


MS Word: Practical Exercise
Output No. 6

Description: Microsoft Word is a graphical word processing program that users can type with. It is made by the computer company Microsoft. Its purpose is to allow users to type and save documents. Similar to other word processors, it has helpful tools to make documents. It is also the most popular word processor both in the past and in the present.


Learnings: In practical exercise, I learned to make a folder in the desktop. I learned to typing text faster that given on the paper. I learned to use the different icon on the Microsoft word. Especially in inserting the header and to put a page border on the document. I learned on how to find the synonym of the given word.


MS Publisher: Tarpapel
Output No. 7a

Description: In this output, we used MS Publisher to make a tarpapel. MS Publisher contains templates for creating many different types of publications such as tarpaulin. Tarp or tarpaulin is a large piece of waterproof materials that is used to over things. But instead of making a tarpaulin we make a tarpapel that is not commonly used to some people. But then, tarpapel is also useful for the people because through this people can get information for events like school activities, symposium, celebration etc.


Learnings: I learned to make a tarpapel using the MS Publisher. In making the tarpapel is not easy because I have to be creative in having a layout on it to make the tarpapel nice.  I learned on how to use the other tools in the MS Publisher in making the tarpapel.I learned on how to remove background using the MS PowerPoint. I learned to be patient because there are sixteen paper that could be link together to form a tarpapel.


MS Publisher: Certificate
Output No. 7b

Description: In this output, we used MS Publisher to make a certificate. MS Publisher contains templates for creating many different types of publications such as certificate. Certificate is most frequently used to prove one person’s identity to another person. It’s mostly given in events especially in school activities. There are types of certificate such as Certificate of Appreciation, Certificate of Completion and Certificate of Participation.



Learnings: I learned to make a certificate using MS Publisher. By the use of MS Publisher I can choose whatever design that I want. Also there are background colors in the MS Publisher that could be used in certificate to make it colourful. I choose to make a certificate of Appreciation. The theme that I choose in the certificate is all about the WATCH celebration.